Former President FERDINAND MARCOS is the real hero and not Ninoy Aquino

Political Science Thesis by Mujeeb Bapobapo

May mga katanungan lang po ako sa aking mga kababayan. Kailangan ko po ang mga opinyon nyo dito kung eto ba ay totoo o gawa gawa lang. Yung mga nabasa ko kasi ay kabaligtaran sa mga itinuturo sa school, history book at mga pahayag sa TV or media. Eto po ay tungkol sa thesis ko na pinamagatang “Sino ba ang tunay na may malasakit sa bayan, Aquino ba o Marcos?” Nilagay ko po yung link ng ilan sa mga reference ko.




1. Ano po ba ang nagawa ni Ninoy para sa bayan upang gawin syang isang national hero?

Ayon kasi sa aking mga nabasa madami syang ginawang pagtatraydor sa bayan katulad ng mga sumusunod:

• Pagbunyag nya sa lihim na Operation Merdeke ni Marcos na ang layunin ay mabawi ang Sabah. Sa halip daw na tulungan ang ating bansa, sa Malaysia sya nakipagtulungan kapalit ng suporta ng Malaysia sa pangarap nya maging presidente.
http://bit.ly/1XSowQa
http://bit.ly/1QmVLpW
http://bit.ly/1S9qY4x

• Malaki daw ang partisipasyon ni Ninoy sa pagkakabuo ng CPP-NPA at MNLF. Ayon sa aking nabasa yung Hacienda Luisita daw ang ginawang training grounds ng mga NPA. Yung MNLF naman nabuo matapos nyang ibunyag ang Jabidah Massacre at Operation Merdeke. Kinausap nya ang noon UP professor na si Nur Misuari na himokin ang mga muslim na magrebelde dahil sa nangyaring massacre. Kung totoo ito sya pala ang ugat ng mga kaguluhan ngayon sa ating bansa. http://bit.ly/1Ql1xMa

• Sya ang tinuturong mastermind sa Plaza Miranda bombing. Pati mga kaalyado nya sa liberal party pinasabog nya para si Marcos mapagbintangan. Ayon sa libro na sinulat ni Jovito Salonga at Victor Corpuz, hindi si Marcos ang nagpasabog, kundi mga NPA na kakampi ni Ninoy. http://bit.ly/21Ax1BF

2. Exempted po ba sa Agrarian Reform ang Hacienda Luisita dahil hanggang ngayon di pa napapamahagi sa mga magsasaka ang nasabing lupa?

Madami ng karahasan ang nangyari na may kaugnayan dito tulad ng Mendiola massacre, Lupao massacre at Hacienda Luisita massacre pero mukhang nilimot na ng panahon. Ni hindi man lang nababalita sa TV o mga pahayagan. Kakampi po ba ng mga Aquino ang media? Bakit hangang ngayon di pa din natutupad yung pinangako ni Pnoy noong 2010 election na ipapamahagi nya ang Hacienda Luisita pag nanalo sya bilang pangulo?
http://bit.ly/24uZewb

3. Bakit pinakawalan sa kulungan ni Cory yung mga lider ng komunista katulad nila Joma Sison, Victor Corpuz at Bernabe Buscayno gayon sila yung dahilan nung kaguluhan kaya nagdeclare ng martial law?

Bakit po nag endorsed si Pres. Cory ng bill sa senate proposing to drop the claim of Philippines sa Sabah. Kinausap nya din yung sultanate ng sulu to drop the claim. http://bit.ly/1QmVPWO

4. Bakit di pinabuksan ni Pres. Cory yung Bataan Nuclear Power Plant samantalang tapos na construction nito at ready to operate na?

Pasado na din sa safety test at 3x safer compare to Chernobyl & Fukushima nuclear plant. Malaki sana ang matitipid natin sa singil sa kuryente at pag angkat ng langis. Madami din siguro na magiinvest sa Pilipinas dahil mababa electric consumption lalo na yung mga manufacturing, factories and industries na malaki mag konsumo ng kuryente. Yung utang na bansa natin pagalis ni marcos ay $27bilyon at yung construction cost naman ng project na ito ay $6.5bilyon so halos 1/3 ng utang ng bansa natin napunta lang sa wala.
http://bit.ly/1QcnnQH

Bakit di pinagpatuloy ni Cory yung mga projects ni Marcos katulad ng flood control sa metro manila? Hindi sana binabaha ang capital region kung saan madaming taong namamatay, nawawalan ng tirahan at bilyong bilyong pera ang nasasayang.
http://bit.ly/1XSp4FS

5. Bakit hangang ngayon sinasabi pa din ng mga tao na nagnakaw si Marcos sa bayan eh diba po pinanalo na nila ito sa manila regional trial court at international court sa Amerika known as “Trial of the Century”?
http://bit.ly/1XSp60x

Di birong manalo dito kung wala kang sapat na mga dokumento na magpapatunay na hindi sila nagnakaw specially hindi basta ordinaryong tao ang kalaban nila dito kundi gobyerno ng Pilipinas. Lumabas sa paglilitis na madami na syang mga gold bars bago pa sya naging presidente. Eto ay ibinayad sa kanyang serbisyo as a lawyer ng Tallano family. Para sa kaalaman nyo ang Tallano family ang mayari ng buong Pilipinas. Gusto kung malaman kung ang mga Marcos ba’y talagang nagnakaw o sila ang ninanakawan ng gobyerno?

6. Bakit hindi na pinabukasan ni Cory ang kaso sa pagpatay kay Ninoy nung sya ay nakaupo na bilang presidente?

Madami mga mambabatas noon at magpahanggang ngayon ang gustong pabuksan muli ang kaso kasi hindi pa malinaw sa publiko kung sino talaga ang nagpapatay. Yung mga sundalong sangkot dito na nakulong na mahigit 2 dekada ang tinuturong master mind ay si Danding na pinsan ng asawa ni Ninoy na si Cory.

7. Bakit puro negative at masyadong exagerated ang mga binabalita tungkol sa Martial Law?

Bakit hangang ngayon nakalagay pa din ito sa ating salingang batas kung wala naman itong magandang maidudulot sa ating bayan? Sinasabi ng media na kaya daw nag declare ng Martial Law si Marcos ay para mapalawig ang kanyang panunungkulan bilang presidente. Marahil ang personal interes nya na yan ay isa na sa kanyang dahilan pero lingid sa kaalaman ng mga karamihan na ang pangunahing dahilan ay ang paglaganap ng kumunista sa ating bansa na noon ay kinakatawan ng mga CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New Peoples Army) at sinusuportahan naman ng China. Nahuli ng gobyerno ang MV Karagatan na isang barko na puno na mga armas galing China.
http://bit.ly/1oGSfzq

Madaming ginagawang pangbobomba ang mga rebelde kasama na yung Plaza Miranda bombing. Ang Cuba ay naging isang komunismong bansa ng magtagumpay ang rebeldeng grupo nina Fidel Castro at Che Guevarra na pabagsakin ang gobyerno ni Batista. Nagsimula sila sa maliit na grupo pero mabilis lumaki dahil sa madami silang nakumbinse mga magsasaka na umanib sa grupo nila kaya naging madali nilang nasakop ang buong Cuba.

Matalino si Marcos, di nya hinayaan na matulad tayo sa Cuba, nagdeklara sya ng Martial Law para maiwasan ang pangliligaw sa taong bayan ng mga NPA na sumapi sa kanila. Hinuhuli ng mga sundalo noon ang sino man nakikipagtulungan sa CPP-NPA para mapigilan ang paglaki ng rebeldeng grupo.

Malamang kung hindi nag Martial Law mabilis na lumaganap ang komunismo sa ating bansa kagaya ng nangyari sa Vietnam, Laos, Cambodia, North Korea at Cuba. Baka magkaroon tayo ng madugong civil war at kung sakaling magtagumpay yung mga rebelde tiyak na communist country na tayo ngayon gaya ng North Korea.

Noong panahon wala pang masyadong alam ang mga tao sa batas komunista kaya madaming nakikisimpatya sa mga rebelde pati na mga pari, pero ngayon makikita mo na malaking pagkakaiba ng communist at democratic country. Noon sa Vietnam, North Korea at Cambodia pagnalaman ka na nakikisimpatya ka sa komunista pinapatay nila agad, pero dito sa Pinas yung meyembro ng komunista na pasimuno sa mga rally or activista pag hinuli ng mga sundalo natin noon human right violation kaagad.

Pinapatay ng mga NPA o mga kumunista ang ating mga sundalo tapos paggumanti ang ating gobyerno human rights violation ang sasabihin ng media. Sa tingin ko nung panahong yon kailangan talaga natin ng konting disiplina at sakripisyo para mapangalagaan ang ating demokrasya laban sa mga komunista.
http://bit.ly/1S9rI9K

8. Bakit palaging sinisisi ang utang ng bansa kay marcos samantala makikita naman ang mga halagang ito sa mga pinatayo nyang projects na hangang sa ngayon pinakikinabangan ng mga Pilipino?

Kahit mga bigtym na mga negosyante ay baon din sa utang pero napapalago nila yung inutang nila. Ganun din sa pagpapatakbo ng bansa kung pinag patuloy sana ni Cory yung mga projects ni Marcos eh mabilis natin mababayaran yung utang natin at baka tumubo pa tayo. Katulad ng Bataan Nuclear Plant na $6.5bilyon ang cost, yung santa barbara project at yung mga bongbong missiles na balak sana imass produce at ibenta sa iba’t ibang bansa para kumita bansa natin.
http://bit.ly/1n6KZeX

Nasayang lang ang pera ng bayan sa mga proyektong ito. At ang masaklap pa yung mga basic needs ng taong bayan tulad ng Meralco, PLDT at Philippine Airlines pinamigay lang at yung iba pinagbili ng gobyerno. Lahat ng geothermal power plant ng bansa natin beneta ni Paul Aquino sa Lopez family sa mababang halaga. Siya noon ay nasa department of energy pero pakatapos nya mabenta yung mga power plants nagresign sya at lumipat at naging president pa ng kumpanyang pinagbentahan nya.
http://bit.ly/1TH4w2y

9. Totoo po ba yung Last Will & Testament ni marcos na pinamana nya halos lahat ng pera nya sa mga Pilipino?

Yung limang account na halos Thousand Quadrillion Dollars kada isa ang naka deposit. May mga ilang whistle blower ng world bank na nagpapatunay na kay marcos yung account na may code name na spiritual wonder boy. At dahil dito may mga nagsasabi na ang pilipinas ang pinakamayamang bansa sa buong mundo.
http://bit.ly/21rEuq1

COMPARISON

a) Noong time ni Marcos walang contractual employee pero nung pagupo ni Cory ipinasa yung bill para magkaroon ng contractual employee. Nakakaawa kasi yung mga construction workers at yung mga nagtatrabaho sa mga malls na hindi man lang nareregular.

b) Si Marcos din ang gumawa ng batas para magkaroon tayo ng 13th month pay. Dahil sa malaking pagmamalasakit nya sa mga mangagawang pilipino madaming nagalit sa kanya na mga negosyante. http://bit.ly/21rEEhk

c) Si Marcos din ang gumawa ng barangay system ng ating bansa under Presidential Decree 557 para makalahok ang bawat mamamayan saan man sulok ng ating bansa sa mga programa ng gobyerno.

d) Bawal sa panahon ni Marcos yung child labor pero ngayon walang pakialam ang gobyerno natin. Noon may libreng gatas na KLIM, tinapay na Nutribun at Trigo or Bulgur na pinamimigay araw araw sa mga public schools para malabanan ang malnutrisyon sa bansa natin.

e) Noong World War 2 si Marcos ay nakipaglaban sa mananakop na hapon at napasama sya sa Bataan death march samantalang si Benigno Aquino Sr. na ama ni Ninoy ay nakipagtulungan sa mga hapon laban sa mga pilipino kaya ikinulong ng US military sa Japan matapos ang digmaan.

f) Madaming naipatayong mga Hospital at State Colleges/ University si Marcos. Noon libre lang ang pagpapagamot at pagaaral ng mga mahihirap. Ngayon mataas na din ang tuition fees sa mga public schools at karamihan sa mga public hospital ginawa ng private.
http://bit.ly/1RwA60V

g) Based from the National Statistics Office. Marcos (1965-1986) total budget for 20 yrs = Php486,273,000,000. Cory (1986-1991) total budget for 6 yrs = Php1,077,895,000,000. Ramos (1992-1997) total budget for 6 yrs = Php2,237,907,000,000

h) Noon nageexport tayo ng bigas (Masagana 99). Tayo nagturo sa vietnam at iba pang asian countries sa pagtatanim ng bigas. Pero ngayon sa Vietnam na tayo bumibili ng bigas.

Si Lee Kuan Yew ng Singapore tinuring din isang diktador. Madami ang di sang ayon sa pamamalakad noon ni LKY dahil sa sobrang higpit. Nung bitayin si Flor Contemplacion nag rally pa ang mga kababayan natin. Mas mahigpit pa sya kumpara kay Marcos. Ang pagkakaiba lang nila si Marcos pinagbibintangan nagnakaw sa bayan pero lahat naman ng kaso nya kabilang na yung trial of the century na ginawa pa sa USA naipanalo ni Imelda.

Sino ba talaga ang totoong may malasakit?

Si Marcos ba talaga ay masama o kagaya din sya ni Abraham Lincoln na noong panahon nya ay itinuring syang diktador ng mamamayang amerikano at sya ang sinisisi sa pagsiklab ng civil war. Noong inassassinate sya itinuring pang bayani yung pumatay sa kanya pero nagdaan ang ilang panahon narealize ng mga amerikano na kung hindi dahil kay lincoln malamang walang tinatawag na united states ngayon.

Kaya nabaliktad ang sitwasyon si Lincoln ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na presidente at may pinakamalaking monumento sa US. Na kung hindi dahil sa kanya walang bansang united states ngayon. Ganyan din sa atin, panahon na lang ang makapagsasabi kung sino talaga ang lider na bayani at lider na traydor. Madalas ang sumusulat ng kasaysayan ay ang mga nagtagumpay, pagnagtagumpay ka sa pakikipaglaban tawag sayo ay bayani pero pagnatalo ka tawag sayo rebelde or traydor.

Eto ay ilan lang po sa aking mga natuklasan na hindi nakasaad sa ating kasaysayan kaya ang inyong opinion ay malaking maitutulong sa pagreresearch ko na to para sa thesis namin sa political science. Simula kasi pagkabata ko hero talaga tingin ko sa mga Aquino pero ngayon nagdududa na ako kung tama ba talaga ang mga nakasulat sa mga history text book sa elementarya at high school. Nasa facebook wall ko po naka post lahat ng mga reference ko.

CONCLUSION

Madami nagsasabi na bias daw ang aking thesis dahil yung good side lang ni Marcos at bad side ni Aquino ang mga binangit ko. Hindi ko na po kailangan bangitin dito yung kabaliktaran dahil grade-3 pa lang tinuturo na sa school na masama si Marcos at mabuti si Aquino. At gustohin ko man, ay wala talaga akong maisip na nagawang proyekto ni Aquino na nakabuti sa bayan. Tila mas madami pa nga siguro ang ginawa nyang nakasama sa bansa natin katulad ng mga sumusunod:

Pagbago ni Cory sa Philippines constitution na kung saan nililimitahan nito ang mga foreign investor na magmayari ng mahigit 40% sa isang negosyo.

Dahil dito daang daang kompanya sa bansa natin ang nagsara at madami ang nawalan ng trabaho. Natakot ang karamihan sa mga foreign investor dahil hindi sila pwedeng maging majority share holder sa isang kompanya, dapat palagi may ka sosyong Filipino na syang magmamayari ng mahigit 60% ng kumpanya. Sa ngayon tayo na lang sa silangan Asya ang may ganitong policy na pumipigil sa pagpasok ng mga investors na maglilikha ng madaming trabaho sa bansa natin. Sa Singapore nga, pwedeng mag mayari ang mga foreign investor up to 100% kaya sobra sobra para sa bansa nila ang mga job vacancies na pati tayong mga Filipino ay nakikinabang dito.

Pagbago ni Cory sa Philippines constitution na kung saan inaalis ang Sabah sa territoryo ng pilipinas.

Pagsasabatas ng contractual employee na nagpapahirap hangang ngayon sa ating mga kababayan na magkaroon na regular na trabaho.

Pagsasabatas ng VAT or value added tax na lalong nagpamahal sa presyo ng mga produkto dito sa bansa natin.

Pagbigay ng ibang kompanya pagaari ng gobyerno sa mga kaalyado sa pulitika katulad ng Meralco at ABS CBN.

Pagbenta sa mababang halaga ng mga kompanya pagaari ng gobyerno sa mga kamaganak katulad ng PLDT, Petron, PNOC, Nawasa at PAL na pinakamalaking airline noon sa asya.

Tanging ang mga negosyante lang ang lubos na nakinabang sa mga batas na ito ni Cory kaya nais ko din talagang malaman kung ano nga ba ang mga nagawang proyekto ni Aquino na nakatulong sa ating mga kababayan. Kung sa pagiging bias lang po, wala na sigurong papantay sa dilaw na gobyerno at media natin na puro kasamaan lang ni Marcos ang binabalita, di man lang binabalita yung tungkol sa Mendiola massacre, Lupao massacre at Hacienda Luisita massacre.

Pinalitan pa nila lahat ng text books sa school at pinagbawal lahat ng babasahin na nagbabangit ng kabutihang nagawa ni Marcos at baluktot na pamamalakad ni Cory katulad ng aklat na “Greed & Betrayal” na pinagbawal sa National Bookstore. Eto ba ang tinatawag nilang malalayang pamamahayag na kung saan ang kaalyado sa pulitika ay pilit na pinagtatakpan at ang kalaban ay patuloy na sinisiraan.

Pasalamat tayo sa makabagong teknolohiya tulad ng facebook o internet at unti-unti nating natutuklasan ang katotohanan. Pero walang ibang higit na makapaglalahad ng tunay nating kasaysayan kundi ang mga nakasaksi sa mga pangyayari noon. Itanong po natin sa ating mga lolo at lola kung ano nga ba ang buhay noong panahon ni Marcos at panahon ni Cory.

1. Base sa aking pananaliksik at pagaanalisa eto po ang masasabi ko tungkol sa Martial Law sa ating bansa.

Majority po ng mga mambabatas natin noong 1972 ay pabor sa pagdedeklara ng Martial Law. Sila ang nagkunbinse kay Pangulong Marcos na ipatupad ang batas na ito dahil sa talamak na kaguluhan sa panahong iyon at tanging ang pangulo lamang ang may kapangyarihan ipatupad ito. Laganap ang pagpapalawak ng komunismo sa panahong yon na lumikha ng madaming civil war sa ibat ibang panig ng mundo.

Madami ang napaniwala ng media na si Aquino daw ang nagpalaya sa ating bansa sa Martial Law. 1965-1986 nanungkulan si Marcos bilang pangulo at sa loob ng 8 taon (1972-1981), napasailalim sa Martial Law ang ating bansa. 1981 pa lang wala ng Martial Law so bakit sinasabi ng media na utang natin ang ating kalayaan sa Matial Law sa mga Aquino. Matapos mahuli at makulong ang mga lider ng CPP-NPA na sina Joma Sison, Bernabe Buscayno, Victor Corpuz at Ninoy Aquino, napilay na ang rebelyon ng mga komunista kaya inalis na ni Marcos ang Martial Law.

Nung bata pa ako akala ko kaya madami sumasapi sa NPA ay dahil sa inaapi sila ng gobyerno, yun din kasi yung mga pinapalabas noon sa mga pelikula tungkol sa NPA na inaapi sila. Ng lumawak na ang kaalaman ko tungkol sa komunismo masasabi ko na hindi ito tungkol sa poverty or oppression, ito ay isang idealismo tulad ng Marxism, Leninism at Maoism. Napigilan ng Martial Law ang paglaki ng bilang ng mga NPA, nahirapan sila mag recruit ng mga myembro dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga sundalo.

Hinuhuli lahat na pinaghihinalaan nakikipagtulungan sa rebelde at ito yung sinasabi nilang human rights violation. Kung ang isang bansa ay nasa gyera o state of rebellion, sa palagay nyo nararapat bang pabayaan lang ng gobyerno ang mga aktibista at media na pumapanig o nagbibigay ng simpatya sa mga rebelde? Kung hindi pinatigil ng gobyerno ang ganitong mga aktibidad, dadami ang sasapi sa NPA at magkakaroon tayo ng madugong civil war.

Buti nga dito sa atin hinuhuli lang, sa Korea, Vietnam at Cambodia noon pinapatay agad nila ang mga nakikisimpatya sa kalaban. Pasalamat tayo at hindi hinayaan ni Marcos na magkaroon dito sa ating bansa ng isang tulad ni Polpot, Ho Chi Minh at Kim II-sung na milyong milyon tao ang mga pinatay.

Sa Singapore nga meron silang Anti-Lee Kuan Yew Law na di ka pwede magsalita ng masama laban sa kanya pero dito sa bansa natin, kahit nasa state of rebellion na nga, gusto pa nila magrally at magpahayag laban sa gobyerno na lalong makakapaghikayat sa mga tao na sumapi noon sa NPA. Tapos paghinuli ng mga sundalo human rights violation. So sino sa tingin nyo ang nagbigay sa inyo ng totoong kalayaan?

2. Noon madaming pagaaring negosyo ang gobyerno ng bansa natin katulad ng mga Power Plants, Meralco, NAPOCOR, PLDT, PNOC, Petron, NAWASA, MWSS, LWUA, TV stations, PNR, LRT, SLEX, NLEX, BNPP at Philippine Airlines na noon ay pinakamalaking airlines sa Asia.

Sa mga income generating projects na katulad nito nanggagaling ang halos lahat ng panggastos ng gobyerno noon at kahit gaano pa kalaki ang utangin natin sa World Bank ay tiyak mababayaran natin dahil may sariling income ito. Pero ngayon ultimo mga public schools at hospitals ay isinasapribado na. Parang inutil na ang ating gobyerno na umaasa na lang sa TAX ng taong bayan. Di pa nakuntento gumawa pa ng batas na VAT na nagpamahal sa mga produkto at nasundan pa ito ng EVAT na lalong nagpahirap sa mga mamamayan.

Parang si Juan Tamad na nakahiga at naghihintay na lang malaglag ang bayabas sa bibig nya. Isipin nyo na lang yung mga sumasahod ng 20k pataas ay parehas lang kay Henry Sy ang percentage ng income TAX na binabayaran. Ang masama pa, ang TAX na pinagpawisan ng ating mga kababayan ay kukurakotin lang ng mga pulitiko.

3. Halos lahat ng mga pumpublikong hospital at eskwelahan ay si Marcos ang nagpagawa ni wala man lang naipatayo yung mga sumunod na presidente natin.

Noon wala kang babayarang tuition fee sa mga public schools at may ipinamimigay pang nutribun, trigo at gatas sa mga magaaral kaya kahit wala kang baon ay ayus lang. Pero di man lang natin nagawang pasalamatan ang taong naging daan para makapagtapos ang karamihan sa ating mga kababayan ng pagaaral bagkus ang isinukli pa natin ay pangaalipusta at panghahamak sa kanyang pagkatao.

Ang media natin ang nagpasama kay pangulong Marcos at yung mga rebeldeng NPA pa tuloy ang pinalabas nila na mga bayani ng ating bansa dahil sila ang lumaban sa Martial Law. Kabaliktaran ang mga pinapahayag nila dahil wala sana martial law kung walang NPA. Isipin mo 10,000 human rights victim daw na halos lahat ay myembro ng komunismo.

Isa pa yung ininterview sa TV na si Dr. Leloy Claudio na pinapalabas na si Marcos daw ang pangunahing recuiter ng NPA. Sukdulan na ang pangloloko ng media sa mga mamamayang pilipino. Ang mga Marcos kasi ang tunay na majority share holders ng ABS CBN at GMA kaya pilit nilang pinapasama dahil natatakot silang mabawi ito ng mga Marcos pag nakabalik ito sa Malacañang.

4. Noong naging presidente si Cory pinapalitan nya lahat ng mga text books sa school at ipinagbawal nya sa mga bookstores at libary ang mga aklat o babasahin na nagbabangit ng mga kabutihang nagawa ni Marcos o masamang nagawa ng mga Cojuangco at Aquino katulad ng librong Greed & Betrayal, mga testimonial at aklat nila Victor Corpuz, Salavador Laurel, Kit Tatad , Jovito Salonga at madami pang iba.

Noong 1986, lahat ng TV stations at mga pahayagan ay muling hinawakan ng mga mayayamang negosyante nasagasaan ni Marcos ng buwagin nya ang oligarkiya sa bansa natin. Lahat ng klaseng paninira sa mga Marcos ay ginawa nila at yung mga mamamahayag na nagbabalita ng totoo ay pinapatahimik nila kaya mula noon magpasahangang ngayon puro negative ang balita tungkol sa mga Marcos at puro papuri naman sa mga Aquino.

Napakamakapangyarihan ng pamilyang Aquino, Cojuanco at Lopez na napapasunod nila halos lahat ng mga negosyante sa bansa natin. Ang mga oligarch na to ang tunay na nagpapatakbo sa bansa natin dahil kayang kaya nilang paglaruan at papaniwalain ang taong bayan sa kanilang mga kasinungalingan. Kayang kaya nilang pagtakpan ang mga kapalpakan at katiwalian ng kanilang mga kakampi katulad na lang ng mga karahasan nagawa nila sa mga walang kalaban laban magsasaka na minassaccre nila sa Mendiola, Lupao at Hacienda Luisita.

Hindi man lang ito nababalita samantalang ang tungkol sa martial law ay halos araw araw. Di nga yata alam ng mga kabataan ngayon na sa panunungkulan ni Cory nagkaroon ng anim na sunod sunod na madugong coup d’etat. Ayaw ba nila malaman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng coup d’etat? Nagtayo pa ang mga kamaganak ni Cory ng SWS at Pulse Asia survey para mapagtakpan ang kapalpakan ng pamamalakad nila sa pamamagitan ng kunyari mataas na approval rating.

Magaling din sila umembento ng mga balita para pagtakpan ang kanilang kawalangyaan katulad ng pagbigay ni Cory ng libre sa mga Lopez ng ABS CBN at Meralco na noon ay pagaari ng gobyerno. Gumawa pa sila ng pelikulang pinamagatng “Eskapo” para papaniwalain ang taong bayan na napwersa sila na ibenta sa gobyerno ang Meralco. Pero nung 2002 linabas ni Enrile sa senado ang mga ebidensya na sila ang humingi ng pabor kay Marcos na bilhin ang naluluging kompanya nila kaya naman mahahalata nyo na sa halos 40 yrs nilang hinawakan to ay bigla na lang binenta kay MVP at Ramon Ang, para di sila masira sa publiko.

Isang patunay na napakamakapangyarihan ng Oligarkiya sa bansa natin ay kahit presidente kaya nilang pabagsakin di lang si Marcos, pati si Erap sila din ang sumira. Tulad ni Marcos na matalik din kaibigan si Enrile at pinsan si Ramos ay nagawang ligawan ng mga Oligarch para kalabanin sya. Ganun din ang sinapit ni Erap mismong matalik nyang kaibigan ang kinasangkapan din ng mga oligarch para pabagsakin sya. Ni wala man lang na sapat na ebidensya ay nagawang pababain sa pwesto si Erap sa pamamagitan ng rule of mob na inudyukan ng media.

Pati si GMA ay pinagkaisahan din ng mga oligarch ng hindi na nila kayang makontrol. Nang subukan mang himasok ng gobyerno noon sa kaso ng Hacienda Luisita massaccre biglang lumabas ang Hello Garci issue at natabonan na ang massaccre case. Si Marcos lang ang nakagawang mabuwag ang oligarkiya sa bansa natin kaya naman abot abot ang pangyuyurak nila sa pagkatao ni Marcos magpasahangang ngayon.

Sasabihin pa nila tumataas daw ang GDP ng bansa natin pero di man lang binangit kung paano ang distribusyon nito. 35% ng GDP ay napupunta sa gobyerno sa pamamagitan ng TAX, EVAT at mga public fees, yung 25% napupunta sa mga oligarchs katulad nila Henry Sy, Ayala, Tan, Lopez at Cojuanco, yung 10% sa mga mayayaman, 20% sa middle class at yung 10% ay sa mga mahihirap.

Isipin nyo 90% of 110 million total population ng Pilipinas ay binubuo ng middle class at mga mahihirap tapos bale 30% lang ng GDP ang share nila, samantalang yung mga oligarch wala pang 50 thousand ang estimated numbers ay 25% ang share sa GDP. Wag po sana tayo magpalinlang sa mga binabalita nila dahil tanging ang mga oligarchs at mga mayayaman lang ang lubos na nakikinabang. http://on.fb.me/21Az0pB

Ang pinakamalaking tanong dito ay kung paano napawalang sala si Marcos sa international court at sa 900+ na kaso isinampa sa kanya ng gobyerno. Tiyak na alam ito ng media pero bakit ayaw nilang ibalita? Ayaw ba nilang malaman ng mga mamamayang pilipino kung paano idenepensa ng mga Marcos ang kaso? Ayaw ba nilang malaman ng taong bayan na wala naman talagang ninakaw ang mga Marcos? http://nyti.ms/1QmW97Q

http://bit.ly/1RwBgJU

Yung mga bumabatikos sa thesis ko dahil lang sa ang ilan sa mga reference ko ay galing daw sa blog ay eto po ang dahilan. Walang sinuman sa mga mamamayahag natin ngayon ang may lakas ng loob na lantarang magbabalita ng totoong pagkatao ng mga Aquino. Walang TV stations or Newspaper na susuporta sa mga tulad ko naghahangad ng katotohanan kaya sa pamamagitan na lang ng BLOG nila inilalahad ang totoong mga pangyayari.

Buti nga meron ng internet at facebook ngayon, dahil eto lang ang hindi hawak o kontrolado ng mga oligarch kaya unti unti ng lumalabas ang katotohanan. Hinihikayat ko din ang ibang tulad kong kabataan na gumawa din ng thesis na kagaya nito para maitama natin ang maling kasaysayan na nakalagay sa ating mga text books.

MARCOS ACHIEVEMENTS
MARCOS COMPLETED POWER PLANTS IN 20 YEARS

1. Bataan Nuclear Power Plant, completed 1983.
2. Leyte Geothermal Power Plant, completed 1977.
3. Makiling-Banahaw Geothermal Power Plant, completed 1979.
4. Tiwi Geothermal Power Plant, completed 1980.
5. Angat Hydro Electric Power Plant, completed 1967.
6. Kalayaan Hydro Electric Power Plant, completed 1982.
7. Magat A Hydro Electric Power Plant, completed 1984.
8. Magat B Hydro Electric Power Plant, completed 1984.
9. Pantabangan Hydro Electric Power Plant, completed 1977.
10. Agus 2 Hydro Electric Power Plant, completed 1979.
11. Agus 4 Hydro Electric Power Plant, completed 1985.
12. Agus 5 Hydro Electric Power Plant, completed 1985.
13. Agus 7 Hydro Electric Power Plant, completed 1982.
14. Pulangi Hydro Electric Power Plant, completed 1985.
15. Agus 6 Hydro Electric Power plant, recommissioned in 1977.
16. Masiway Hydro Electric Power Plant, completed 1980.
17. Main Magat Hydro Electric Power Plant, completed 1983.
18. Calaca Coal Power PlantCompleted in 1984.
19. Cebu Thermal Power Plant completed in 1981.
20. Palinpinon 1 Southern Negros Geothermal production Field completed in 1983.
Note: Diesel Plants are not mentioned.


VS

CORY, RAMOS, ESTRADA, GLORIA and NOYNOY III in 26 YEARS
1. ZERO
Note: Every new power plant built During their time were all privately Owned ( mostly by Lopezes, AboitIz, Aquino And Cojuanco Family) and is now owners of some Power Plants completed during Marcos.

MARCOS COMPLETED BRIDGE PROJECTS IN 20 YEARS

1. Biliran Bridge150 meters long of Leyte, completed 1975.
2. Buntun Bridge 1369 meters long of Tuguegarao-Solana, Cagayan, completed 1974.
3. Candaba Viaduct Pulilan 5000 meters long of Bulacan-San Simon, Pampanga, completed 1976.
4. Mactan-Mandaue Bridge 864 meters long of Lapu-Lapu-Mandaue, Cebu 1972.
5. Magapit Suspension Bridge 449 meters long of Lal-lo, Cagayan completed 1978.
6. Mawo Bridge 280 meters long Victoria, Northern Samar completed 1970.
7. Patapat Viaduct 1300 meters long Pagudpud, Ilocos Norte completed 1986.
9. San Juanico Bridge 2060 meters long Tacloban, Leyte-Santa Rita, Samar Completed 1973.
Note: Not to mention the unnamed hundreds of bridges under 100 meters long.
TOTAL LENGTH = 11472 meters long.


VS.

CORY, RAMOS, ESTRADA, GLORIA and NOYNOY III COMBINED COMPLETED BRIDGES in 26 YEARS
1. Agas- agas Bridge, Southern Leyte 350 meters long completed 2006.
2. Agat Bued Bridge, La Union 500 meters long completed 2010.
3. Bamban Bridge, Pampanga 174 meters long completed 1998.
4. Cansaga Bay Bridge, Cebu 640 meters long completed 2010.
5. Jones Bridge, Isabela 350 meters long completed 2008.
6. Macapagal Bridge, Agusan del Norte 907 meters long completed 2007.
7. Magat Bridge, Isabela 926 meters long completed 1991.
8. Marcelo Fernan Bridge, Cebu 1237 meters long 1999.
9. Narciso Ramos Bridge, Pangasinan 1442 meters long completed 1997.
10. Old Amburayan Bridge, Ilocos Sur 535meters long completed 2010.
11. Pantal Bridge, Pangasinan 380 meters long completed 2008.
TOTAL LENGTH = 7441 meters

MARCOS ESTABLISHED/FOUNDED STATE CLOLLEGES/UNIVERSITIES IN 20 YEARS

1. Don Mariano Marcos Memorial State University in La Union founded.
2. Mariano Marcos State University in Ilocos Norte founded in 1978.
3. Kalinga-Apayao State College in Tabuk Kalinga founded in 1970.
4. Abra State Institute of Science and Technology in Abra founded in 1983.
5. Pangasinan State University founded in 1979.
6. University of Northern Philippines founded in 1965.
7. Philippine State College of Aeronautics founded in 1969.
8. Cagayan State University established in 1978.
9. Quirino State University established 1976.
10. Isabela State University established 1978.
11. Pampanga Agricultural College established 1974.
12. Mindoro State College of Agriculture and Technology-Calapan City established 1966.
13. Occidental Mindoro State College established 1966.
14. Palawan State University established 1965.
15. Bicol University established 1969.
16. Camarines Sur Polytechnic Colleges established 1983.
17. Rizal Technological University established 1969.
18. Technological University of the Philippines established 1971.
19. apiz State University 1980.
20. Guimaras State College 1968.
21. Northern Negros State College of Science and Technology established 1971.
22. West Visayas State University became established as university in January 1986.
23. Leyte Normal University 1976.
24. SLSU- (Southern Leyte State University)- Sogod 1969.
25. SLSU- Hinunangan 1975.
26. SLSU- Tomas Oppus Feb. 1, 1986.
27. SLSU- Bontoc 1983.
28. SLSU- San Juan 1983.
29. Basilan State College 1984.
30. Western Mindanao State University became a university in 1978 followed with building the satellite campuses in..
WMSU-Alicia campus, Zamboanga del Sur
WMSU-Aurora campus, Zamboanga del Sur
WMSU Curuan, Zamboanga City
WMSU-Diplahan, Zamboanga Sibugay
WMSU-Imelda, Zamboanga Sibugay
WMSU-Ipil, Zamboanga Sibugay
WMSU-Mabuhay, Zamboanga Sibugay
WMSU-Malangas, Zamboanga Sibugay
WMSU-Molave, Zamboanga del Sur
WMSU-Naga, Zamboanga Sibugay
WMSUOlutanga, Zamboanga Sibugay
WMSU-Pagadian City, Zamboanga del Sur
WMSU-Pitogo, Zamboanga del Sur
WMSU-San Ramon, Zamboanga City
WMSU-Siay, Zamboanga Sibugay
WMSU-Tungawan, Zamboanga Sibugay
31. Central Mindanao University established1965.
32. Misamis Oriental State College of Agriculture and Technology established 1983.
33. Northwestern Mindanao State College of Science and Technology estbalished 1971.
34. Davao del Norte School of Fisheries established 1969 ( now known as Davao del Norte State College).
35. Mati Community College (MCC) founded in 1972 ( now known as Davao Oriental State College of Science and Technology).
36. Malita Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology founded 1966 now known as.
37. Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology.
38. University of Southeastern Philippines established 1978.
39. Cotabato Foundation College of Science and Technology established 1967.
40. Cotabato City State Polytechnic College established 1983.
41. Mindanao state university- Iligan city founded 1968.
42. Mindanao state university- Gensan city founded 1971.
43. Surigao del Sur State University founded 1982.
44. Surigao Del Norte School of Arts and Trades (Founded in 1969) now known as Surigao State College of Technology.
45. Sulu State College founded in 1982.
46. Tawi-Tawi Regional Agricultural College founded in 1975.
47. Adiong Memorial Polytechnic State College founded in 1970’s.
47. (that i have found so far) out of 108 state universities and college are established and accomplished projects of FERDINAND E MARCOS. He also improved and re equipped the remaining colleges/ Universities that were established/ founded before 1965.

SOME OF MARCOS ESTABLISHED HIGH SCHOOLS

1) Amlan Municipal High School was established 1972
2) Amparo High School was established in 1979
3) Aplaya National High School was established 1969
4) Balayan National High School (BNHS) established 1985
5) Balibago National High School established 1970
6) Bayugan National Comprehensive
High School established 1980
7) Buenavista National High School established 1972
Dalupaon National High School established 1972
9) Don Emilio Macias Memorial National
High School established 1982
10) Dona Francisca Lacsamana de Ortega Memorial
National High School established 1972
11) Dr. Juan G. Nolasco High School established 1966
12) Eastern Samar National Comprehensive
High School established 1969
13) Francisco P. Felix Memorial National High School
(FPFMNHS) established 1973
14) Gen. T. de Leon National High School establsihed 1969
15) Ismael Mathay, Sr. High School, formerly called
the GSIS Village High School established 1971
16) Jose Borromeo Legaspi Memorial National
High School established 1981
17) Kaong National High School 1974
18) Lawang Bato National High School established 1967
19) Liloy National High School established 1974
20) Mag-aba National High School established 1977
21) Mandaluyong High School established 1977
22) Navotas National High School established 1983
23) Parañaque National High School (Main Campus)
(Formerly known as Parañaque Municipal
High School) established 1969
24) Pasay City North High School established in 1969
25) Pedro E. Diaz High School established 1977
26) Philippine High School for the Arts established 1977
27) Pinagtongulan National High School established 1967
28) Punta National High School established 1971
29) San Juan National High School established 1968
30) San Mateo National High School established 1985
31) San Pablo City National High School established 1969
32) San Pedro Relocation Center National
High School established 1970
33) San Ramon National High School established 1967
34)Tabon M. Estrella National High
School established 1981
35) Makati Polytechnic Community College-
Technical High School founded in 1972
36) Tomas Cabili National High school Iligan city 1971
37) Dasmarinas National high School 1971


VS

CORY, RAMOS, ESTRADA, GLORIA and NOYNOY III COMBINED
Established/Founded State Colleges/Universities in 26 years.
1. ZERO-
Note:
– the remaining of 108 State Colleges/Universities are built and founded before 1965. They though renamed few Colleges and Universities and Refounded them after 1986.
-National Manpower and Youth Council (NMYC) founded 1976. Now changed to TESDA to discredit Marcos.




MARCOS PROJECTS ACCOMPLISHED AND NOT JUST PROMISED

-Manila International Airport (NAIA)
-LRT-1 (1st in Southeast Asia)
-Heart Center of the Philippines
-Kidney Center
-Nayong Filipino
-Bataan Nuclear Power Plant
-Coconut Palace
-PICC
-Philippines Lung Center
-Film Center
-Golden Mosque for Muslims
-Folks Arts Theatre
-SLEX and NLEX (1st in Southeast Asia)
-San Juanico Bridge
-13th Month Pay
-Presidential Decree 1596 Proclaiming Philippines owns Spratly Islands, Panatag/Ayungin Shoal and Paracell
– The manila Planetarium
-calauit safari farm palawan
-MTRCB,
-NEDA,
-PDIC,
-PGH
-Children hospital
-Defense Self-Reliant rocket launchers
-AFP modernization
-war planes 35 F8-crusaders
-37 f-5 jets
-OV-10 bronco
-Sta Barbara 1st rocket P.H
-Blue diamond 1st JET team fighter P.H
-No.1 exporter of Rice and Sugar in the world
-Drugs are not rampant and drinking alcohol on the side of the roads is prohibited
-No Foreigners to Buy Real Estate in Philippines
-The only president that does not make use of a cheat sheet When giving a speech here and abroad
http://on.fb.me/1ph3gbh

FULL CREDITS TO MUJEEB BAPOBAPO

WATCH THE VIDEO BELOW:

SHARE IF YOU LOVE PHILIPPINES!

 

YOU MAY ALSO WANT TO READ THE FOLLOWING POST BELOW:

 

“13 Intriguing FACTS You Might Not Know About Ferdinand Marcos”

“The TRUTH behind the REMOVAL of former President Ferdinand Marcos REVEALED!”

“The PROOF that MARCOS is NOT GUILTY of all Case Charges”

“The TRUTH about Marcos GOLD. Shocking REVELATION”

“The PHILIPPINES is the RICHEST country in the world. MUST WATCH!”

“Letter of Doy Laurel to Cory Aquino to AWAKEN the Filipino people”

“The SCANDALS during Cory Aquino’s Administration. Must READ!”

“The UNFORGIVABLE sins of the Corazon Aquino regime. SHOCKING!”

 

PS – I Guarantee YOU Will Make Money Using My Automated Income System & Following My 10 Step Training OR I Will Pay You P5,000 Cash Just For Trying Out! Click Here To Try It Now.

 




 

 

admin

I can do all things through Christ who gives me strength!

8 thoughts on “Former President FERDINAND MARCOS is the real hero and not Ninoy Aquino

  • March 9, 2016 at 1:54 pm
    Permalink

    You have opened the pandoras box about the truth on Marcos… the truth that the Aquinos and the CIA wanted to hide from the Filipino people.

    Reply
    • March 12, 2016 at 5:45 pm
      Permalink

      Marcos was a CIA operative that outlive his usefulness!

      Reply
  • March 10, 2016 at 2:05 am
    Permalink

    ang galing ng gumawa nito….i salute u…

    Reply
  • March 10, 2016 at 12:06 pm
    Permalink

    Let every Filipino knows what really is the situation during Marcos regime …. Dapat na ring malaman kung sino si Marcos at mga Aquino….sana mamulat ang mga susunod na henerasyon

    Reply
  • March 13, 2016 at 2:12 pm
    Permalink

    Hangang-hanga ako sa author nito na gumagawa ng kanyang thesis. Ngayon lumalabas na ang katotohanan na si PFEMarcos pa rin ang the best na president ng Pilipinas. Mabuhay ka kaibigan. I salute you.

    Reply
  • March 14, 2016 at 12:06 am
    Permalink

    Nice work…im a 72 baby,lumaki ako ng may mas progresibo at mapayapang kapaligiran kumpara sa kasalukuyan,katunayan pa sa mga nilathala mo tungkol sa rehimeng marcos ang pilipino noon ay talagang taas noo kahit kanino,sa mga unibersidad ng pilipinas maraming dayuhang nagaaral dahil sa kalidad ng edukasyon at sumasalamin din na ang ating bansa ay ligtas laban sa msasamang loob at sa mga komunista….saludo ko sayo kabayan.

    Reply
  • March 14, 2016 at 3:35 am
    Permalink

    c marcos hindi nag nakaw naging abogado sya ng mga talliano binabayaran cya kaya may pera ang familya marcos..yong iba nabanggit jan toto yon c ninoy ang may kagagawan ng kagolohan hanggang ngayon naman kitang kita c pinoy ganon din gosto epasa ang BBL kahit labag sa batas at hindi c marcos nakipag kontsaba sa malisya para maging pangolo c marcos sa kanyang katalinohan ay marami ang bomoto kay marcos para maging presidente cya maboti at may nailabas na ganon para malaman ng maraming pilipino

    Reply

Leave a Reply

error: Content is protected !!
Gusto mo bang kumita ng up to P21,000 a day habang tulog ka na hindi nag-bebenta, hindi nag-iinvite at hindi na-rereject?CLICK HERE NOW!
+ +